For me, si Ivana talaga yung kahit anong angat nya sa buhay never nagbago ang puso. Walang arte, no filter, pure sincerity and good heart. May God bless you more! <3
Ang galing nung sinabi ni kuya steelman na "construction worker ako, kasi di ako nagaral ng mabuti" sobrang simpleng statement pero napaka inspirational lalo sa kabataan. Sobrang humble. deserve nya yung bigay ni Miss Ivana. Tapos sa likod ng magagandang building at bahay ay ang construction worker na isa sa pinakamahirap na trabaho. Hindi sya reklamo or yabang eh, ramdam mo yung proud sya na marangal yung trabahong ginagawa nya. Bravo kuya and sa lahat ng construction workers 👏👏👏👏👏
Construction Laborer ako dati at ngayon Licensed Civil Engineer na dahil sa biyaya ng Panginoon. Laban lang sa buhay mga kapwa ko Construction workers! Proud ako sa inyong lahat na lumalaban ng patas sa buhay. Safety First! Padayon lang sa pangarap.
When his brother said that "andito ako para proteksyunan ka kasi kakalabas mo lng ng ospital" grabeh Napaka supportive na brother sayo ms ivana.. ❤😍 Sending love and lots of hugs..
"Anong ipapakain mo sa anak ko? graba?" Yan yung sabi ng lolo ko sa mother side sa papa ko noong nagliligawan pa raw sila. Ayaw niya kasi sa status ng buhay ni papa. Pero God is so good! Dahil sa construction nakapagtapos ako at nasa field na rin ng construction ngayon. At patapos na rin iba kong kapatid sa college❤ Thank you Miss Ivana for appreciating to our construction workers.🎉
As a Engr. nakakaproud talga kasama ang mga construction worker na masisispag magtrabaho araw araw para sa kanilang pamilya. SALUTE TO ALL!!
Construction worker deserve high salary, pati garbage collector and fireman napaka hirap ng ginagawa nila sobrang taas ng respeto ko sa kanila...❤❤❤️
Proud construction workers ako..hirap talaga pag Wala tayo pinag aralan.. salamat ma'am ivana na appreciate mo kami..
Ms. Ivana, this video means a lot to me. I did not expect na maiiyak ako habang nanonood. Isa po akong anak ng isang construction worker. Saksi ako kung gaano ka hirap ang trabaho nila knowing na napakaliliit ng kita. Isa sa mga pinaka mahirap na trabaho pero isa rin sa mga pinaka minamata at pinaka maliit ang sahod. While watching your video lalo na nung tinatanong mo na sila isa isa naiyak ako sa thought na, ganto pala. Ganto pala yung nararanasan ng papa ko everyday. Knowing na hindi lang po init ang iniinda nila. Pero kahit mahirap nakaka iyak isipin na lahat sila family ang reason kung bakit patuloy na lumalaban. Napakasakit marinig na "construction worker ako, kasi di ako nag aral ng mabuti" kasi tulad ng papa ko hindi dahil sa hindi sya nag aral ng mabuti. Hindi siya nakapag aral dahil walang wala talaga sila, elementary level lang po sya hanggang grade 2 or grade 3, pero napagtapos po nila ako ni mama. Pero sana po maintindihan ng mga tao na, hindi man sila nakapag tapos wag na wag niyo silang minamata dahil lang sa trabaho nila. Marangal at mabuting trabaho ang pagiging isang construction worker, minsan sila pa nga yung mas may mabubuting kalooban kesa sa mga professionals. At sa lahat ng mga construction workers po, saludo po ako sa inyo. Walang masama sa trabaho niyo dapat po ipagmalaki niyo. At kung sana din mas i appreciate ng tao ang construction. Minsan kasi pag may magandang bahay, gusali o kung ano mang establishments ang nakikita lang natin ay ang galing ng architect, engineer at iba pa, subukan din nating i appreciate yung pagod, hardwork at sakripisyo ng mga construction workers. At sa papa ko, saglit lang po pa dadating din ang araw na di niyo na kailangan magtrabaho ni mama. Di ka na magbibilad sa araw, di ka na magtitiis sa maliit na sahod. Laban lang lahat ng mga construction workers, papabor din po sa inyo ang panahon 💗
Proud to be a construction worker. Kahit mahirap ang trabaho at buhay. Laban lang guys! Thank you Ms. Ivana for this. Indeed you are good!
Tama. Malalaman lamang natin ang hirap ng bawat individual kung tayo na ang nasa mismong sitwasyon na madalas di nakikita ng iba. Salute to you Ms. Ivanna 💯
bigla ko naalala yong sinabi ni papa sken dati nong napangasawa daw niya si mama halos maliitin sya dahil walang natapos at construction lang daw ang alam sakit sa puso di nila alam na Lima kaming magkakapatid binibuhay nya pero dahil sa pag coconstruction niya nakatapos kaming dalawa ng k12 ngayon yong tatlo nag aaral pa. mahirap makikita mong uuwi yong papa mo pagod na pagod tapos minamaliit lang ng mga ibang tao 😢 mabuhay lahat ng construction workers ❤
Hindi ko Akalain Ms Ivana na magagawa mo mag construction after mo ma hospital Napakasipag mo talaga kahit anu kaya mong gawin maswerte talaga Sayo mapapangasawa mo ❤ You deserve someone better in God's perfect timing and in God's perfect will ❣️
Nakaka laking tulong po ang 5k sa mga construction worker...salamat po Ms Ivana...Mabuhay ka po
As a daughter of a construction worker, maraming salamat sa ganitong tulong Ivana 🫶🏻 Nakaka bilib po talaga ang mga construction workers dahil grabe ang pawis na buhos nila para matapos ang mga proyekto. Nakaka proud at nakakaiyak kasi binuhay at naging professional kaming limang magkakapatid dahil din sa pagiging construction worker ng papa ko. ❤️❤️❤️
As a former Site Nurse sa construction, thank you Ivana for paying tribute to our mga kapatid na construction workers. Ramdam ko at kita ko ang pagod nila noon. Mabuhay kayo ❤
Ang engineer , architect taga disenyo lang yan taga mando .. pero yung actual na gumagawa CONSTRUCTION WORKERS.. Sila yung batak sa bigat ng mga trabaho.. kaya pag may Nakita kayong gusali na napakaganda at mga Bahay na magagara.. big respect nyo ang mga SKILLED WORKERS.. Wala Sila walang output na magandang kalalabasan..
Thank you Ms.Ivana pinakita mo sa blog mo ang mga construction worker,di biro ang kanilang trabaho nasa init at mabigat ang trabaho nila,grabe naiyak ako kay kuya steel man,nasa pamilya talaga humuhugot ng lakas ang mga trabahador..❤
They really deserved matulungan mga construction worker.. mahirap at mabigat ang trabaho nila❤
@sophiaenrique7996