Nilabag ng lokal na pamahalaan ng Bauan, Batangas, ang batas sa pribatisasyon ng pampublikong lupa, ayon sa lumabas na imbestigasyon. Hindi dumaan sa tamang proseso ang conversion ng Bauan Plaza at basketball court patungo sa patrimonial property, na siyang naging daan para maitayo ang isang pribadong gusali.
Batay sa Artikulo 420 ng New Civil Code, ang pampublikong ari-arian ay hindi maaaring gawing pribado nang walang due process. Wala ring ebidensya na may isinagawang public hearing o pagsang-ayon mula sa mayorya ng Sangguniang Bayan bago ito ipinatupad. Ayon kay dating Konsehal Johnny Magboo, "Matindi ang aming pagtutol dito, pero itinuloy pa rin nila." Dagdag pa, walang malinaw na dokumentong naipakita ang SB Secretary na magpapatunay ng legalidad ng conversion.
Bukod dito, giniba ang lumang munisipyo upang magtayo ng bagong gusali. Kinumpirma ng SB Secretary na may clearance mula sa National Historical Commission, ngunit unang nadisapprove ang loan ng proyekto sa DBP dahil sa kakulangan ng Seal of Good Housekeeping. Kalaunan, naaprubahan ito ngunit nananatiling hindi malinaw ang proseso.
Dahil sa mga paglabag, maaaring ituring na iligal ang pagpapatayo ng mga pribadong gusali sa dating pampublikong lupa. Patuloy ang panawagan para sa masusing imbestigasyon at pananagutan ng mga opisyal na sangkot.
📰https://pinas.news
📺www.facebook.com/pinasnewstv
PAST Trending Issues You Might Be Interested In:
Latest on VP Sara Duterte: • Sara Duterte
Lucena Pulis ala Bonet Gangsters: • Lucena Pulis ala Bonet Gangsters
Lupang Hinirang guitar intro sound credited to Sir Joey Ayala.
God bless the #Philippines @PinasNews
コメント