Loading...
「ツール」は右上に移動しました。
利用したサーバー: natural-voltaic-titanium
49いいね 1588回再生

February 21, 2025 (Friday-5PM) PAG ASA Weather Update 5PM

Public Weather Forecast issued at 5PM | February 21, 2025 - Friday DOST-PAGASA Weather Specialist: Daniel James E. Villamil

Nagbabala ang PAGASA sa patuloy na epekto ng shear line na nagdadala ng matinding pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar, kaya pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.

Ayon sa PAGASA, malalakas na pag-ulan ang inaasahan sa Albay, Sorsogon, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao provinces. Samantala, mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Palawan, Oriental Mindoro, Romblon, Aklan, Capiz, Masbate, Camarines provinces, Catanduanes, Samar provinces, Leyte, at Agusan provinces. Sa Luzon, magiging maulap ang Cagayan Valley, Cordillera, at Aurora Province dahil sa Amihan.

Ayon sa PAGASA Weather Report, “Makikita natin sa ating satellite images ang makakapal na kaulapan sa silangang bahagi ng bansa, dala ng shear line. Sa susunod na 24 oras, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa buong Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon Province, Laguna, Batangas, at silangang bahagi ng Mindanao.” Dagdag pa nito, “Maging handa at alerto sa mga banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar. Bagamat unti-unting hihina ang epekto ng shear line sa Visayas mula Sabado ng hapon hanggang Linggo, patuloy pa rin ang moderate to heavy rains sa Palawan, Oriental Mindoro, Romblon, Aklan, Capiz, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.”

📰pinas.news/
📺www.facebook.com/pinasnewstv

PAST Trending Issues You Might Be Interested In:

Latest on VP Sara Duterte:    • Sara Duterte  

Lucena Pulis ala Bonet Gangsters:    • Lucena Pulis ala Bonet Gangsters  

Lupang Hinirang guitar intro sound credited to Sir Joey Ayala.

God bless the #Philippines @PinasNe

コメント