Sasabay lang po sa trend to send a message.
Lyrics:
Tulog ang bata, ako ay walang ginagawa,
Nakatunganga, humahanga sa himbing at pagnganga
Di makagala, abala, antala, dahil sa labas,
Baka may mama, mahawa pag ubo niya ng malakas./
Bawal ang aangas angas,/ pag minamalas malas, para bang nahuling nagnakaw ng alahas, himas-rehas, /
Mga Swerte at buenas,/ merong Kape at gatas sardinas, bigas, nfa lang at di yung 1st class,
######
Pero oks lang di sisinghal sa mga nahalal, alam nating bilihin ay mahal, iba ang kakapal,
Mga mangangalakal nga, hanap ng bote't bakal, para sa kalam may maitapal, kahit na alam na bawal,
Ngunit di magrereklamo kahit magsungit ang amo,
Kakayod, tatrabaho, mapapagod, mahahapo.
Bagamat ngalay ang braso at may sobra pa sa baso,
Di makakalimot magbigay sa kapwa tao.
####
Wala na gyud koy labot kon dili ka makasabot, inig utot, makadaot, ambot sa imong lobot.
Gloria, Margarita, Catriona, og si Pia, mao na ang korona dili tong gikan tsina.
Isipin mo ang mga pilipinong bibilib at titino pag ang disiplinang niningning nanggaling sa sarili mo.
Tayo parin lunas sa hapding parang nahudas
E Sakit lang yan, tayo magaling, galing ng pilipinas.
__________
Mark Beats for the Beat.
コメント